12/03/13

HINDI LAHAT


HINDI LAHAT

- Hindi lahat ng pumapasok sa school ay tunay na nag-aaral.
- Hindi lahat ng naka 100% sa GMRC or Values Education ay may good manners, right conduct or values.
- Hindi lahat ng nakapagtapos ng pag-aaral ay may pinag-aralan.
- Hindi lahat ng may-anak ay maaaring maging magulang.
- Hindi lahat ng nagsisimba ay ligtas.
- Hindi lahat ng may alam sa Biblia ay nakakaalam ng Salita ng Diyos.
- Hindi lahat ng nagtuturo ng Biblia ay lingkod ng Diyos.
- Hindi lahat ng may katayuan o position sa simbahan ay may position din sa kaharian ng Diyos.
- Hindi lahat ng nagsasabi sa iyo na kaibigan mo sila ay totoo.
- Hindi lahat ng kapatiran mo sa church ay nakakatulong sayong lumago sa spiritual life mo.
- Hindi lahat ng nagsasabing “Amen” ay tunay na naniniwala.
- Hindi lahat ng nagsasabing hindi nila iiwanan si Hesus ang nagpupursige hanggang wakas.
- Hindi lahat ng nagsasabing mahal nila ang Diyos o ang Diyos ang una sa kanila o si Hesus ang lahat sa kanila ang tunay na nakakaunawa ng sinasabi nila.
- Hindi lahat ng nagbabasa nito ang talagang nakakaintindi ng binabasa nila.

Sa madaling salita, kilala tayo ng Diyos at alam Niya ang motibo at intensyon ng puso natin. Pwede nating subukang lokohin ang ating sarili pero alam ng Diyos kung sino talaga tayo. Kaya mag-ingat ka. Kilala Niya ang tunay na ikaw.

http://www.uckg.hk/hindi-lahat/

.

.